Sunday, March 29, 2009

P2: ALA-ALA KAY NM UNDING

Katulad ding oras at lokasyon

Natatandaan ko mga ilang linggo bago pumanaw si National Master (NM) ABDULLAH bin Rawahah UNDING sa MASJID ng TANDANG SORA... Nag-SALAH kami ng MAGHRIB sa ERMITA MASJID... Tapus, tumuloy aku ng LUNETA CHESS PLAZA... Nawala kasi sa aking pananaw si "HECKY"... Nagmamadali siya at akala ko ay pumunta siya sa otel na binabanggit niya na mura raw... Medyo umikot aku sa Faura hanggang FHARNIZA pero hindi ko siya makita... Kaya tumuloy at dumiretso na lang aku sa CHESS PLAZA... May parang sumusunod pa nga sa likuran ko noon... Pagdating sa CHESS PLAZA hindi ko rin nakita si Master UNDING... Pero ilang sandali lang ay sumulpot siya... Suot niya ang isang baseball cap at hindi ang karaniwang puting MUSLIM cap na suot niya... May pinanood kaming naglalaban na medyo may kagalingan kung ikukumpara sa ibang naglalaro doon... May isang manlalaro na Bisaya na ayon sa kanila ay isang National Master na rin... Pero nanood lang kami ni Master UNDING...

Napansin ko na parang OVEREXCITED siya at panay ang bitiw ng salita na tila wala namang pinatutungkulang tau... Halimbawa ng mga natatandaan kong sinabi ni Master UNDING:

-"Mag-aral ka ng mabuti... Kung walang aral hindi ka lalakas sa chess"
-"Number one ang AGAMA - mamaya bumuka ang lupa at kainin ka ng lupa..."
-"Huwag kang iinom o mag-lalasing - dinala ng mga KASTILA ang alak para lasingin ang mga katutubo..." [Kailangan ng DISIPLINA para lumakas sa chess]
- E-2-2-LOY

ANG TALIBA blog
http://www.ang-taliba.blogspot.com
akda ni ang_taliba@yahoo.com

No comments:

Post a Comment