Sunday, March 29, 2009

P1: ANG TALIBA BLOG

Ika-29 ng Marso Taong 2009
Kalendaryong Gregorian
Nasa Pangkalahatang Manila

MABUHAY ANG MAMBABASA!
Tuloy kayo sa aking BLOG na
==========
ANG TALIBA
==========
na maglalaman ng aking mga ideya sa samu't-saring mga paksa at bagay...
Hinggil sa aking sarili, sa mga darating na mga POSTING ko ay ipakikilala
ko ang aking sarili...

T
TA
TAL
TALI
TALIB
TALIBA
TALIBAG
TALIBAN
TALIBANANA
TALIBONG
ATBP ATBP ATBP

T - ika-20 letra sa alpabetong LATIN-ROMANO-INGGLES
TA - Tagalog na katumbas nito
TAL - isang RUSONG manlalaro ng AJEDREZ/CHATURan/CHATRANG/SHATRANJ/CHESS at dating Kampeon ng Mundo...
TALI - Tagalog ng "rope" sa wikang Inggles o panali...
TALIB - sa wikang Inggles, "student" o mag-aaral
TALIBA - itong BLOG ko, BINALIGTAD DIN na salitang "BA-LI-TA" o "news"... Sa wikang Inggles ay maaari itong isalin bilang "VANGUARD" o tagapamuno ng puwersa...
TALIBAG - kapag ginamit mo ng ginamit ang isang "shoulder bag" na may puting tali bilang "strap" at nakuha nito ang mga libag ng leeg mo... ito ang resulta!
TALIBAN - ang sinasabing kalaban ng puwersa ni OBAMA at ng mga Amerikano sa "War on Afghanistan" ngayong panahong ito, Taong 2009. Magpapadala pa raw ng karagdagang 5,000 tropa ang mga Europeo - NATO (No Action Talk Only)
TALIBANANA - isang pabirong awit noong 1950's ng isang Mulattong mang-aawit na taga-Caribbean... "Day-O"
TALIBONG - isang uri ng sandatang gamit ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng mga Kastila sa kapuluang ito...
ATBP ATBP ATBP

No comments:

Post a Comment